ANG NOYPI, NOYPI. ANG KANO, KANO.



DISCLAIMER: ANG PAGABABASA NG BLOG NA ITO AY NAANGKOP LAMANG SA
MGA LALAKE O BABAE NA LABING ANIM NA GULANG PATAAS LAMANG, DAHIL
ANG BLOG NA ITO AY GUMAGAMIT NG MGA SALITANG HINDI ANGKOP SA
MGA BATA. KUNG MERON MANG MASASAKTAN, MATATAMAAN O HINDI
MAGUGUSTUHAN ANG NILALAMAN NITONG BLOG NA ITO, AY HINDI KO KAYO
MATUTULUNGAN, DAHIL MAY DISCLAIMER, ITO YUN. KUNG MERON MAN
KAYONG GUSTONG SAMBITIN NA SUHESTYON, O MGA KUMENTO, ANDYAAN
ANG COMMENT BAR, "MAY GUSTO KA BANG SABIHIN?".

DISCLAIMER: READING, VIEWING OR ANYTHING VISUALLY RELATED
ACTIONS TO THIS BLOG ARE ALLOWED ONLY FOR PEOPLE SIXTEEN YEARS
OLD AND UP THIS BLOG USES WORDS THAT ARE...... NOTPBFASBLFBSDCGOSBGEBGBDOVIORBOSEBBSDOBVOLIHVOBDOVBSOBSOBVOBVOBOVBSOBVSBVOSBWBBSGBQW;DHWGFWOFBOSBVA;FIWEGFOWBV
OWGEFO;WBOFAWVBAUIWBF-------I'M SORRY. HARDLY 10 OUT OF A MILLION
AMERICANS UNDERSTAND OUR LANGUAGE, SO PLEASE, IF YOU DON'T
UNDERSTAND TAGALOG, GET YOUR BLACK OR WHITE ASS OUT OF HERE.
YOU CANNOT SUE ME OF DESECRATION OF YOUR FLAG. I'M OUT OF YOUR
TERRITORY, AND WE LOVE DESTROYING YOUR FLAG HERE. SMILE. HAVE A
GOOD DAY. GET OUT OF HERE. =p




Sunday, January 23, 2005
rico de chicas de treehouse rstaurante

kanina nanood ako ng scq reload. sakto lang dahil nanood din ang ate ko, at ang nmga pamangkin gusto ko nang sakalin sa sobrang kulet. kumakain ang tatlong finalists ng scq sa may treehouse, di ko alam kung aling branch. may pinaguusapan sila. "i need to do this, or mamemelt si ____" sabi ng isa. "no, you don't have to do this, sister, you have to blah blah blah o kaya magstay ka nalang sa may eteneo de menile universitee..." sabi naman ng isa.

eto nanaman ang issue ko kay kris aquino. hindi ko maintindihan kung bakit interisadong interisado ang ina ko sa buhay, sa bahay, sa lahat lahat ng tngkol kay kris aquino. pero this time, medyo deretso naman ang english nitong mga babaeng ito sa scq. pero nakakainis pa rin. di ba ang scq, star circle quest ng mga Pilipino? oo yata, kasi sa catchline ng ABS CBN, "in the service of the filipino" bakit kaya puro mga conyo ang mga nanalo? oo, hindi lahat conyo, pero karamihan. bakit kailangang i-portray ng mga karakter na ito na fluent silang mag-english, gayun din naman na ayaw na ayaw nilang magtagalog. bakit kaya?

umaapela ako sa mga direktor, prodyuser, o kahit sino pa mang nasa likod ng pagpapalabas SCQ reload: pwede po bang wag nyo nang ipamukha na mga conyotics ang mga characters nyo? eto po ang explanation ko:

nakikita ng inyong mga manonod, lalong lalo na ang mga mahihirap, na mayayaman ang mga fini-feature nyo. tapos, syempre idol nila ang mga SCQ finalists nyo, kaya gusto din nilang gayahin ito. pero hindi nila kayang gayahin dahil wala silang pera na pambili ng mga gamit ng mga conyo ito. pero pipilitin nilang gayahin. gagawa ng paraan. dedelehensya. kaya nga ba idol ko noypi e. kahit mali ang paraan, basta masunod ang gusto. di ba?

ang mga conyo, sana, hindi nalang magpakita. kasi hindi naman bawat pilipino may pera, kaya sana wag nyo nang ipakita. sa mga noypi naman na idol na idol ang mga "visibly non telented" contestants ng SCQ, wag nyo nang gayahin. it's not worth it. hindi nararapat. kasi tulad ni thalia, o ng f4, malalaos din yan. wala na yan after some years. iba parin yung nadidiscover yung talent. hindi pinaglalantaran. diba?

ayoko ng conyo. ayoko ng malandi. ayoko ng engliserang conyo. ayoko sa mga conyo!!!!

Posted at 10:39:40 pm by eleven71188
ang nagsalita  

Saturday, January 22, 2005
la calumniares de filipinas

nakakaaliw ang mga mura. pero wala talagang tatalo sa murang pilipino. eto ang ilan sa mga murang kinabihasnan na nating mga pilipino, at ang kanilang mga ibig sabihin.

putang ina mo- puta/ina/mo- ang puta ay kastila para sa pokpok, o mga nagbebenta ng aliw; bitch ito para sa mga conyo. hindi naman actually mura ang puta, dahil nagrereflect din ito sa estado ng isang babaeng aso na may anak. naging mura lamang ito dahil sa tinatawag ito ang iyong ina na isang puta, na minsan lang naman tumama. diba?

gago- ang gago, ay isang sira ulo, o tanga. wala nang iba pang explanation dito. pero ang hindi ko maarok e kung bakit minsan sa mga graffitti e nakalagay ang "gago ang bumasa nito" samantalang hindi naman sira ang ulo ko, at lalaong hindi ito angkop dahil karamihan ng mga sira ulo ay nasa mental, o di kaya'y di makabasa.

leche- letse- isa itong salitang kastila nanaman, ang literal na ibig sabihin ay "milk" o "gatas".  eto hindi ko maintindihan talaga. bakit naman magiging mura ang gatas? note lang po, sa mga taong may ayaw sa mga sexual thoughts, wag basahin ang susunod na statement. ang gatas ay kakulay ng tamod, na inilalabas ng mga lalaki mula sa pagbabati o pagjajacol, ang usong termino ngayon, kapareho din ng gatas ang substance ng tamod, isang liquid substance. kaya siguro naging mura ito.

punyeta- ang original na word nito ay punetazo(punyetazo), mula nanaman sa kastila. ang ibig sabihin ng punyetazo literally ay suntok. siguro kaya ito naging mura dahil parang gusto mong saktan ang kausap mo, o yung binabackstab mo.


ilan pa lang yan sa mga mura natin. pero isa lang ang napapansin ko. 75% ng mga murang ito ay kastila. hindi kaya ang mga kastilang occupants natina ang nagturo sating magmura?

sa pananaw ko dati, sa code of ethics lang naman nakakadanyos ang pagmumura e. yun din ang justification na binibigay ng mga prayle na yun. pero ngayon, alam ko na. isa ito sa mga paraan ng pagpapakita ng galit, o anger na nakasaad sa bibliya na isa sa mga deadly sins.

comvincido amigo? mi mama no puta, yo no tonto, mi leche tu tomar, y yo bajar con punetzo de mio. recclamos?

Posted at 10:02:17 pm by eleven71188
ang nagsalita  

Thursday, January 20, 2005
matanza de lengua filipino y americano

Juan Dela Cruz

sino nga ba sya?

ang mga taong nagngangalan ng ganyan sa pilipinas at sa labas ng pilipinas?

bakit si juan dela cruz ang icon name ng mga  noypi?

bakit nga ba?


kahit ako, hindi ko alam, kung kaya wag mo kong tanungin. basta alam ko, juan dela cruz ang ginamit kasi karamihan sa mga ginagawa nating kwento ay may mga protagonist o antagonist ay nagngangalang juan, o pedro, pero mas kadalasan, "juan" ang ginagamit.

dela cruz naman, kasi ito ang inintroduce satin ng mga kastila, "of the cross" ang literal na ibig sabihin nyan sa english.

e ano pa nga ba.

out of the topic, at ito din ang magiging kabuuang topic mng entry na to, bakit nga ba mahilig tayong magenglish na mga noypi?

sa blog ni JR(kaibigan ko at kapitbahay), sinabi nya na gusto nya daw na maging pang anim na official language of the world ang tagalog. gusto kong dagdagan, justification lang. kaya magandang maging 6th official language ang tagalog kasi sa kahit saang parte ng mundo ngayon, may mga filipino immigrants na.

meron din naman mga pasaway. katulad ng isang tao dyan.

blind item: anak sya ng isang dating legislator, at ng isang dating panguklo ng pilipinas. sya ay nagaartista ngayon at pinapatay ang parehong englis language at filipino language. sin kaya itong tarantadong to???

aba!!! alam ko po anmg sagot!!! si KRIS AQUINO. matindi pa to sa bading. pinaghalong english at tagalog, na kung ano anong derivation ang ginagawa, at iba ibang lingos na hindi mo maintidihan, at wala din naman sa kahit anong filipino dialect.

dapat ipakulong lahat ng ganitong mga tao. kahit sa simpleng text message ay makikita mo ang epekto ni kris aquino sa buhay ng normal na pilipino. "hi, i'm kris, nahanp ko na sya! finally! bakla na aketch!.." grabe. kadireeee!!!!

Posted at 7:50:24 pm by eleven71188
ang nagsalita  

apuro su baro o saya

si tommy hilfiger: isang magaling na fashion designer. marami ang may gusto ng mga disenyo nya, kahit gano pa ito kamahal, basta signature, ok yan. lalo na sa mga noypi. in ka kasi pag nakasuot ka ng tommy hilfiger. "wow! how cute naman your jacket, pwede paarbor nalang?, favorite color ko kasi e... tapos tommy pa... sige na! please..." sabi ng isang dalagita. "o cge, ok lang *ngiti*[fake naman yan e! bwahahahahahaha!!!!]" sagot naman ng pinagsasabihan ng isa. diba? talagang gusto natn ang mga foreign designs. isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko tong tuligsain.

nagsalita si hilfiger minsan, about 14 years ago. at ganito ang sinabi nya in exact words: "if i knew filipinos would wear my clothes, i wouldn't have made them"(source: www.designerscentral.com)

muli tatanungin kita. pilipino ka ba o kano? o di kaya'y kano sa katawan ng noypi? ano ka ba talaga?

labhan mo na yung hilfiger mo. tapos ibenta mo sa ukay ukay. sabihin mong slightly used palang ito. at sa paglalaba, gamitin ang tide with bleach, para hindi obvious na araw araw mo tong sinusuot para in ka.

ano pa bang kailangan nating mga noypi? kahit saan ka pumunta sa pinas, martami kang makikitang magagaling na sastre at mananahi, pati mga designer. ilan dito sila R.M. Manlapat na may shop sa timog at makati, ang mga weavers ng pina sa ilocos, ang mga gumagawa ng mga malong sa mindanao, Daneche tailoring sa Robinson's Galeria. marami rami na din siguro yan diba?


Posted at 7:03:03 pm by eleven71188
ang nagsalita  


ako si juan dela cruz. pero para cool, at cute, iispell nyo ito ng john dela cruise. Parang yung mga conyo sa tabi tabi na kahit tiburcio, mauricio o bartolome e gustong matawag ng toby, morris, o bart. ginawa ko ang blog na ito para tuligsain ang mga eletistang nagbebenta ng droga sa mga mahihirap, nagseset ng mga trend sa fashion, na walang ginawa kung hindi tumambay sa greenbelt o rockwell, na hindi naman nagaaral kasi nga mayaman na, at kung tutuusin e mga bobo naman, at hindi magkamayaw sa pag gamit ng gramatiko at salitang si kris aquino lamang ang nakakaperpekto. kasabay ng pagtuligsa, nais ko din namang ipakalat ang nasyonalismo ng mga pilipino.

isa sa mga gusto kong gawin ay yung hindi magpakilala. wag kayong magalala, ginagawa ko to hindi dahil baka kasuhan nyo ko ng slander, o verbal abuse, kung hindi para lang astig. yung idol ko nga ilan ilan palang ang nakakakilala sa kanya e, kasama ako dun, kaya gusto ko syang gayahin. si master BOB ONG.

problema mo na kung maooffend ka sa mga sinasabi ko dito. kung tinatamaan ka, pasensya ka, di naman to personalan e. dahil kung personal ito, aayain nalang kita ng sapakan.

so wala na tayong problema ha? okey na tayong lahat. pis tayo! fara kyut!
   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

online poker roomtexas hold'em


pilpino ka ba o kano? kano ka ba o pilipino? o baka hapon ka, intsik beho, aleman-yakis, bumbaybaho, french kiss, kastilnag puta, o kung sino ka mang taga earth na nakakaintindi ng tagalog at binabasa ito ngayon, desisyon ka na! ano ka ba talaga? anong lahi mo?

puntahan mo ang ilan sa mga site na recommended ko:
JR/ebe dancel daw
Rowena Prinsesa
erning cute
Superpekpek
BobOng pinoy

ilan lang yan sa mga astiging sites na makukuhanan mo ng mga tradisyong pilipino(na cross bred na po.)

sit back kung may sandalan ang upuan mo, kung wala, bahala ka, relax, at magsisimula na ang patalastas. maya ka na manood. mglaba ka muna ng brief mo na tommy hilfiger, o ang panty mong bench, o ang bra mong victoria's secret. magpabango ka na din ng paburito mong cold, o hot by bennetton, o yung davidoff cool water mo, o yung hugo boss mo na pabango.

bakit ko pinagawa sayo yun? kasi gusto kong imungkahi sayo na ipamigay o ibenta na ang mga yan(oo, pati yung underwear) at tangkilikin mo naman ang gawa ng mga maliliit nating juan dela cruz. pero wag dun sa quiapo, sa tutuban o divisoria. labag sa batas yun. mga nakaw yun. nakaw kasi peke. ninakaw nila ang kita ng mga orig.


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed